Tuesday, April 10, 2012

Snow White and the Seven Dwarfs




There was once a beautiful princess named Snow White. She was kind and friendly with all the animals in the forest. 

(May isang magandang prinsesa na ang pangalan ay Snow White. Siya ay mabait sa lahat ng uri ng hayop.

Her stepmother, the queen was jealous of her. She would ask the mirror everyday to ask who is the fairest of them all.

(Naiinggit sa kanya ang reyna na kanyang madrasta. Araw-araw ay tinatanong nito ang salamin kung sino ang pinakamaganda sa lahat ng babae.)

One day, the mirror told her it was Snow White who was the fairest of them all. She got very angry and planned to get rid of Snow White.

(Isang araw ay sinabi ng salamin na si Snow White ang pinakamaganda sa lahat. Nagalit ang reyna at nagbalak patayin si Snow White.)

Snow White learned about the queen's plan. She was very frightened. She ran away to the forest.

(Nalaman ni Snow White ang balak ng reyna. Natakot siya kaya tumakas patungong kagubatan.)

That night, she slept under a big tree. Her animal friends watched over her.

(Nang gabing iyon ay natulog siya sa ilalim ng isang malaking puno. Binantayan siya ng mga kaibigan niyang hayop.)


Seven dwarfs arrived. They invited her to their cottage in the deep forest.

(May dumating na pitong duwende. Inimbita siya ng mga ito sa kanilang tirahan sa pusod ng kagubatan.)

She lived in the dwarfs' cottage. She cleaned the house everyday and cooked for the dwarfs who worked in the mine.

(Sa bahay ng mga duwende siya tumira. Araw-araw niyang nililinis ang bahay at ipinagluluto niya ang mga duwendeng nagtatrabaho sa minahan.)

The dwarfs would always warn her to be careful. "Your stepmother might find you here andharm you!" they would always say.

(Lagi siyang pinaaalalahanan ng mga duwende na mag-ingat. "Baka matagpuan ka ng iyong madrasta at saktan ka!") lagi nilang sinasabi.)

The queen learned where Snow White was. She set out to see her and bring her poisoned apples.

(Natuklasan ng reyna kung nasaan si Snow White. Nagpasya itong puntahan siya dala ang isang basket ng mga mansanas na may lason.)

Snow White didn't recognize the queen because she was in disguised. She accepted the apple the queen offered her and fainted when she took a bite.

(Hindi nakilala ni Snow White ang nakabalatkayong reyna. Tinanggap niya ang inaalok nitong mansanas pero siya'y nahilo nang kagatin iyon.)

The dwarfs thought she was dead. They placed her in a glass casket and offered her flowers.

(Inakala ng mga duwende na patay na si Snow White. Inilagay siya ng mga ito sa isang salaming kabaong at hinandugan ng mga bulaklak.)

One day, a prince kissed her and she awoke. The dwarfs rejoiced and danced around her. She and the prince married soon after.

(Isang araw, isang prinsipe ang humalik kay Snow White at nagising siya. Nagsayawan sa tuwa ang duwende. Ikinasal siya at ang prinsipe makaraan.)



                              The End  
                                                                            Wakas






Source: SNOW WHITE AND THE SEVEN DWARFS book
Story Activity Book
Retold by: Joseph Neo


3 comments:

Unknown said...

Ang ganda thank you po

Unknown said...

Ang ganda sobra thanks so much

Unknown said...

Awesome