(Sa parang sa gilid ng nayon madalas magtagpo ang aso at ang tandang. Matagal na silang magkaibigan, at lagiý siniskap nilang magkasama sila sa paggagalugad ng mga lugar na hnd pa nila napupuntahan.)
(Sa kabilang ibayo ng parang ay isang kakahuyang nangangapal sa matatayog na puno. Hindi pa nararating ng aso at tandang ang naturang lugar. Isang araw, nagpasya ang aso at tandang na galugarin ang kakahuyan.)
It was late in the afternoon when the dog and the rooster started on their journey. They reached the edge of the forest by nightfall. The dog and the rooster decided to spend the night in the safety of a tall tree.
(Hapon na ng simulang maglakbay ang aso at ang tandang. Narating nila ang gilid ng kakahuyan pagkagat ng dilim. Nagpasya ang aso at ang tandang na palipasin ang gabi sa kanlungan ng isang matayog na puno.)
The rooster perched on a branch. The dog settled at the foot of the tree.
(Dumapo ang tandang sa isang sanga. Humimlay ang aso sa paanan ng puno.)
At sunrise the next day, the rooster promptly woke up. "Cock-a-doodle-doo!"
(Sa pagsikat ng araw kinabukasan ay maliksing gumising ang tandang. "Tik-tilaok!")
Not too faraway, a fox heard the rooster's crow. His mouth watered. Surely, the rooster would make him a hearty breakfast. The fox immediately went to search for the rooster.
(Sa di kalayuan, narinig ng isang tumanggong ang tilaok ng tandang. Natakam siya. Tiyak na isang msaganang almusal ang idudulot ng tandang. Agad na hinanap ng tumagong ang tandang.)
The fox found the tree where the rooster was perched. "Good morning, Rooster!" the fox said, craving so much for the rooster. Ï just discovered the sound of your crowing is music to the whole forest. Why don't you come sit beside me and sing with me?"
(Natagpuan ng tumanggong ang punong kinaroroonanng tandang. "Magandang umaga, Tandang!" wika ng tumanggong, takam na takam sa tandang. "Ngayon ko lang nalaman na ang tunog ng iyong tilaok ay musika para sa buong kakahuyan. Bakit di mo ako tabihan dito at sabayan mo ako sa pagkanta?")
The rooster could see intense hunger in the fox's sly smile. "My dear friend," the rooster said to the fox. "Before I come down, why don't you go to the foot of this tree and tell my assistant to ring the bell?"
(Kitang-kita ng tandang ang matinding gutom sa ngisi ng tumanggong. "Mahal kong kaibigan," wika ng tandang sa tumanggong. "Bago ako bumaba, bakit di mo puntahan ang aking alalay sa paanan ng punong ito at sabihan mo siyang patunugin niya ang kampanilya?")
To indulge the rooster, the fox quickly did as he was told.
(Upang mapagbigyan ang tandang ay mabilis na sumanod ang tumanggong)
At the foot of the tree, the dog was suddenly awakened as the fox approached.
(Sa paanan ng puno ay biglang nagising ang aso paglapit ng tumanggong.)
The dog at once jumped at the fox.
(Agad na dinamba ng aso ang tumanggong.)
Had the fox not been quick to draw back, he would have been devoured by the dog. He quickly ran away to safety.
(Kung hindi naging maagap sa pagilag ang tumanggong ay tuluyan ng nilapa ito ng aso. Agad itong kumaripas ng takbo sa ligtas na lugar. )
The End
Wakas
Moral Lesson:
"HE WHO LAYS A TRAP FOR OTHERS .
IS OFTEN CAUGHT BY HIS OWN SNARE."
"Ang naglalatag ng patibong para sa kanyang kapwa
ay siyang kadalasang nahuhuli sa kanyang sariling bitag."
Source: COLLECTION of STORIES with MORAL LESSONS
Adapted from the fable of AESOP
Retold by: Boots S.A. Pastor
No comments:
Post a Comment