In a faraway village, there was a Greek merchant who owned a store.
One morning after a heavy rain, he decided to buy goods for his store. He hitched his wagon to his horse and drove to the city.
(Sa isang malayong bayan, may isang negosyanteng griego na nagmamayari ng isang tindahan.
Isang umaga pagkatapos ng malakas na ulan nagpasya siyang mamili ng paninda para sa kanyang tindahan.
Isiningkaw niya ang kanyang kariton sa kanyang kabayo at nagpunta na siya sa lunsod.)
The merchant bought many goods. He filled his wagon with many goods.
(Maraming pinamili ang negosyante. pinuno niya ang kanyang kariton ng iba't- ibang paninda.)
It was almost noontime when the merchant decided to go home. Because of the heavy downpour earlier, the road was filled with potholes.
(Malapit ng magtanghali ng magpasyang umuwi ang negosyante. Dahil sa katatapos na ulan ay malubak ang daan.)
After a while, the wagon suddenly swayed and the horse stopped.
The merchant went down from the wagon to see what had happened. He saw that one of the wheels of the wagon had gotten stuck in the mud.
(Bumaba ng kariton ang negosyante upang tingnan kung ano ang nangyari. Nakita niyang nabaon sa putik ang isa sa mga gulong ng kariton.)
The merchant was so distressed -- but he did nothing to push his wheel out of the potholes. Instead, he knelt on the ground, looked up to the heaven and wailed. "Why does it have to be my wagon?" He called on Hercules* "Where are you, Hercules? Get my wagon out of the mud!"
(Nabahala ng labis ang negosyante-- ngunit hindi man lamang siya kumilos upang itulak ang gulong mula sa lubak.
Sa halip, lumuhod siya sa lupa, tumungala sa langit at nanaghoy.
"Bakit ang kariton ko pa? Nanawagan siya kay Herkules." Nasaan ka Herkules? Alisin mo ang kariton ko sa lusak!" )
It happened that Hercules was on the nearby fields. When he heard his name being called, he went to where the merchant was. "How lucky I am!" the merchant exclaimed. "Since you are the strongest man on earth, Hercules, you can easily push the wheel of my wagon out of the mud and I'll be out of here in no time at all!"
(Nagkataong nasa karatig bukid si Herkules ng marinig niyang titatawag ang kanyang pangalan ay pinuntahan niya ang kinarorioonan ng negosyante.
"Talagang maswerte pa rin ako!" Bulalas ng negosyante "Dahil ikaw ang pinakamalakas na nilalang sa buong mundo, Herkules kayang- kaya mong itulak ang gulong ng aking kariton mula sa pagkakabaon sa putik at makakaalis na agad ako sa lugar na ito!")
Hercules examined the wheel that was tuck in the mud. He noticed the pothole was not as deep. He turned to the merchant and concluded that the merchant had done nothing to get the wheel out of the pothole.
(Tiningnan ni Herkules ang gulong na nakabaon sa putik. Napansin niyang hindi naman kalalilaman ang lubak. Binalingan niya ang negosyante at ipinalagay hindi man lang ito gumawa ng paraan upang maalis ang gulong ng kariton.)
Hercules said the merchant, "You should be ashamed of yourself. How can you expect others to push your wheel out of the mud when you haven't even tried to push it yourself? Push the wheel yourself , and when you fail to get it out of the mud, then I'd gladly help you!" So saying, Hercules left. The merchant was stunned.
(Wika ni Herkules sa negosyante, "Mahiya ka sa sarili mo paano itutulak ng iba ang gulong mo mula sa putik gayong ikaw mismo ay hindi nagtangkang itulak ito? Itulak mo ang gulong at kung hindi mo kayang alisin iyan sa putik ang buong lugod na tutulungan kita!"
Pagkasabi niyon ay umalis na si Herkules. Natigilan ang negosyante.)
The End
Wakas
Moral lesson:
"TRY TO SOLVE YOUR PROBLEM FIRST
BEFORE YOU ASK THE HELP OF OTHERS."
"Subukan mo munang lutasin ang iyong problema
bago kahumingi ng tulong sa iba."
Source: COLLECTION of STORIES with MORAL LESSONS
Adapted from the fable of AESOP
Retold by: Boots S.A. Pastor
No comments:
Post a Comment