Sunday, April 8, 2012

The Old Miser (Ang Matandang Kuripot)




A long time ago, in a faraway town, there was a man who was known for being a miser.
      As he grew older, he acquired a lot of properties.

(Matagal na panahon na ang nakakaraan, sa isang malayong bayan, may isang lalaking kilala sa pagiging kuripot.
      Habang siya ay tumatanda ay nakalikom siya ng maraming ari-arian.) 

The time came when the old miser could no longer safeguard all his properties.
      He thought hard about what he ought to do.
One day, the old miser thought of converting to gold a large portion of his wealth. He decided the most valuable of his properties. 

(Dumating ang panahon na hindi na kaya ng matandang kuripot na pangalagaan ang kanyang mga ari- arian. 
      Pinagisipan niyang mabuti kung ano ang nararapat niyang gawin. 
Isang araw, naisip ng matandang kuripot na ipagpalit sa ginto ang malaking bahagi ng kanyang kayamanan. Nagpasya siyang ibenta ang mga pinakamahahalaga sa kanyang mga ari- arian.)


The old miser used the money he got from the sale of his property to buy a bar of gold-- a big bar of gold.
To fully safeguard the bar of gold, the old miser thought it would be wise if he hid it underground.
      He buried the gold in an unmarked area at the edge of the forest.

(Ginamit ng matandang kuripot ang kanyang perang pinagbentahan ng kanyang mga ari- arian sa pagbili ng isang barasng ginto- isang malaking baras ng ginto. 
Upang ganap na mapangalagaan ang baras ng ginto, naiisip ng matandang kuripot na magiging magandang hakbang kung itatago niya iyon sa ilalim ng lupa. 
      Ibinaon niya ang baras ng ginto sa isang lugar na walang palatandaan sa gilid ng kakahuyan.)

Everyday the old miser visited the place where he buried the bar of gold. He wanted to make sure the gold was safe where it was. 

(Araw- araw ay dinadalaw ng matandang kuripot ang lugar na pinagbaunan niya ng baras ng ginto. Gusto niyang makatiyak na ligtas ang ginto sa kinalalagyan nito.) 

Unknown to the miser , a woodcutter had long noticed his daily trips to the edge of the forest. 
The woodcutter wondered why the old miser always went to the edge of the forest. He suspected the old man was hiding a treasure in that place. 

(Lingid sa kaalaman ng matandang kuripot, isang mangangahoy ang matagal nang nakakapansin sa araw- araw niyang pagpunta sa gilid ng kakahuyan. 
Takang taka ang mangangahoy kung bakit laging nagpupunta ang matandang kuripot sa gilid ng kakahuyan. Naghinala siyang may itinatagong kayamanan ang matanda sa lugar na iyon.)


One night, the woodcutter went to the place which the old miser always visited at the edge of the forest. There, he discovered the pit where the bar of gold was buried. 
      Without a second thought, the woodcutter took the bar of gold. 

(Isang gabi, pinuntahan ng mangangahoy ang lugar sa gilid ng kakahuyan na laging pinupuntahan ng matandang kuripot. Doon ay natuklasan niya ang hukay pinagbaunan ng baras na ginto. 
      walang pagdadalwang- isip na kinuha ng mangangahoy ang baras ng ginto.)

The next day, the old miser was deeply saddened when he discovered the bar of gold was gone. 
The old miser's neighbor learned about the disappearance of the bar of gold. To calm down the old miser, the neighbor said to him: 
      "Don't worry, friend. Take a stone and put it in the pit. Think of it as your bar of gold.."
"Anyway, it looks like have no plans of using the gold, so the stone will be just as good as the gold."

(Kinabukasan, labis- labis ang panlulumo ng matandang kuripot nang matuklasan niyang wala na ang baras ng ginto. 
Nalaman ng kapitbahay ng matandang kuripot ang tungkol sa pagkawala ng baras ng ginto. Bilang pampalubag loob sa matandang kuripot ay sinabi niya rito:
      "Huwag kang magalala, kaibigan, Kumuha ka ng bato at iyon ang iyon ang ilagay mo sa hukay. Isipin mong iyon ay ang baras ng ginto..."
      "Tutal, mukhang wala ka namang balak na gamitin ang mga baras na iyon ng ginto na rin."






The End 
Wakas



Moral Lesson:

"THE VALUE OF MONEY IS NOT MEASURED 
ON HOW MUCH YOU HAVE 
BUT ON HOW YOU USE IT."

"Ang kahalagahan ng pera ay hindi nasusukat 
sa kung magkano ang mayroon ka
kundi sa paraan ng iyong paggamit"









Source: COLLECTION of STORIES with MORAL LESSONS
Adapted from the fable of AESOP
Retold by:   Boots S.A. Pastor

No comments: