Sunday, April 8, 2012

The Two Travellers and The Bear





Two friends were travelling together on their way to their town from their city. When they reached the woods, a bear suddenly appeared on their path.

(Dalawang magkaibigan ang naglalakbay pauwi sa kanilang bayan mula sa lungsod. Pagdating nila sa kakahuyan ay biglang sumulpot ang isang oso sa kanilang daraanan.)

The first traveller immediately left his friend and ran to the nearest tree. He quickly climbed up the tree to escape from the bear.



(Agad na iniwan ng unang manlalakbay ang kaibigan at tumakbo sa pinakamalapit na puno. Mabilis na inakyat niya ang puno upang maiwasan ang oso.)

The second traveller followed his friend, but because he was a bit fat, he could not climbed up the tree. "Help me, my friend!" he cried out.

But instead of helping his friend, the first traveller climbed up the tree higher and sought refuge* on a branch dense with leaves. 

(Sinundan ng pangalawang manlalakbay ang kanyang kaibigan, ngunit dahil may katabaan siya ay hindi siya makaakyat sa puno. "Tulungan mo ako kaibigan!" sigaw niya.
Ngunit sa halip ng kaibigan, Umakyat pa paitaas ng puno ang unang manlalakbay. At nagkanlong sa isang malabay na sanga.)

As the bear came nearer, the second traveller dropped to the ground face down and remained still.


(Habang papalapit ang oso ay agad na dumapa sa lupa ang pangalawang manlalakbay at natiling walang katinag- tinag.)

From the branch up the tree, the first traveller watched with bated breath what the bear would do to his friend.


(Mula sa sanga sa itaas ng puno ay pigil ang hiningang pinanuod ng unang manlalakbay ang gagawin ng oso sa kanyang kaibigan.)

The second traveller also held his breath as thge bear came up to him. The bear started sniffing him- his hair, his face, his neck, his ear.


(Pigil din ang hininga ng pangalawang manlalakbay nang malapitan na siya ng oso. Nagsimulang amoy- amoyin siya ng oso- sa buhok, sa mukha, sa leeg, at sa tainga.)


When he was convinced the traveller was dead, the bear immediately left. The second traveller heaved a sigh of relief. 


(Nang matiyak ng oso na wala ng buhay ang manlalakbay ay umalis na agad ito.
Nakahinga ng maluwag ang manlalakbay.)

When he was certain the bear had really gone away, the first traveller climbed down the tree. "It's good the bear didn't do you any harm," he said to the second traveller.


(Nang matiyak na nakalayo na nang lubusan ang oso ay bumaba na sa puno ang manlalakbay. "Mabuti at hindi ka nilapa ng oso," aniya sa pangalawang manlalakbay)

"Didn't you know? Bears never touched a dead body. I just pretend to be dead," the second traveller said.


("Hindi mo ba alam hindi gagalawin ng mga oso ang taong wala ng buhay. Nagkunwari akong patay," sabi ng pangalawang manlalakbay.)

"I saw the bear whispering in your ear," the first traveller said to the second traveller. "What did he say?"


("Nakita kong binulungan ka ng oso," wika ng unang manlalakbay sa pangalawang manlalakbay. "Ano ang sinabi niya?")

"He said I should always be wary of the company I keep and also not to trust people who abandon their friends in times of trouble," the second traveller said.


(Sabi niya ay dapat akong magingat lagi sa mga taong pinakikisamahan ko at wag ding magtiwala sa mga taong nangiiwan ng kaibigan sa panahon ng kagipitan," sagot ng pangalawang manlalakbay.)





The End
Wakas






Moral lesson:
"DO NOT BE SELFISH TO FRIENDS ESPECIALLY IN
THEIR TIMES OF NEED."

"Wag maging maramot sa mga kaibigan lalo na 
sa panahon ng kanilang pangangailangan."












Source: COLLECTION of STORIES with MORAL LESSONS
Adapted from the fable of AESOP
Retold by:   Boots S.A. Pastor



No comments: